DSWD kinontra si Gadon: Totoo ang kahirapan!

Totoong problema ang kahirapan sa bansa, ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian.

Totoong problema ang kahirapan sa bansa, ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian.

“Alam namin dito sa DSWD na totoo ang kahirapan,” ayon kay Gatchalian.

Aniya, anim na milyong pamilyang Pilipino ang naka-classify bilang ‘poor’ base sa datos ng DSWD.

Kaya naman patuloy ang programa ng gobyerno para malabanan ang kahirapan sa buong bansa.

“Patuloy tayong lumalaban sa kahirapan at hindi kami titigil hanggang sa ma-achieve namin ang goal ng ating Pangulo na single digit by the end of his term,” wika ni Gatchalian.

Ang pahayag nito ay kasunod ng sinabi ni Presidential Adviser for Poverty Alleviation Secretary Larry Gadon na ‘haka-haka’ lang umano ang kahirapan ng mga Pinoy.

Aniya, marami ang may pambili ng luho pero pagdating sa pangunahing pangangailangan tulad ng bigas ay hindi makabili.

Ayon naman kay Gatchalian, magtatakda siya ng meeting para mapag-usapan nila ni Gadon ang tungkol sa anti-government program ng gobyerno.