DSWD binalak magtatag ng programa tulad ng AKAP

Makatutulong para sa mga itinuturing na “near poor” na pamilyang Pilipino ang Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP), ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian.

Makatutulong para sa mga itinuturing na “near poor” na pamilyang Pilipino ang Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP), ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian.

Wika ni Gatchalian, ang AKAP ay magsisilbing safety net para sa mga pamilyang hindi na pasok sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Karamihan aniya sa mga nasa ‘near poor’ segment ay ang mga minimum wage earner, na maaaring bumalik sa kahirapan kapag nagkaroon ng inflation hike.

Saad ng kalihim ng DSWD, ang programa katulad ng AKAP ay dati na ring pinaplano ng kanilang ahensya.

Nakipagpulong na ang DSWD kay Philippine Statistics Authority chairman Dennis Mapa noong 2023 para mabigyan ng tulong ang mga nasa ‘near poor’ sector.

“We were already exploring programs that will provide a safety net for those classified as ‘near poor.’ Usec. Mapa briefed us on the value of a ‘near poor’ program so as to prevent a vicious cycle of minimum wage earners and 4Ps graduates going back to poverty,” sambit ni Gatchalian.

“Sayang if they slip back into poverty because we have made investments to pull them out of poverty like 4Ps,” aniya.

Ayon naman kay Ako Bicol party-list Representative Jil Bongalon, hindi dapat haluan ng intriga ang AKAP dahil ang intensyon nito ay makatulong sa taumbayan.

“AKAP has full of good intentions at panawagan ko na lang sana huwag bigyan ng pangit na kulay,” wika ni Bongalon.