DSWD aayuda sa mga tsuper

Nakahandang tumulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga jeepney driver na maapektuhan sa pag-implementa ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Nakahandang tumulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga jeepney driver na maapektuhan sa pag-implementa ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Kabilang sa kanilang ipamamahagi ay pagkain o tulong pinansyal sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS), at programa para sa kabuhayan sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP).

Ayon kay Assistant Secretary for Disaster Response Management Group Irene Dumlao, sa oras na makakuha sila ng mga impormasyon ukol sa mga apektado ay agad nila itong lalapitan.

“Ang DSWD ay nakahanda na magbigay ng tulong doon sa ating mga kababayan na maaapektuhan. Sa ngayon ay wala pa tayong natatanggap na impormasyon, but of course, kung mayroong lumapit at humingi ng request ito naman ay agarang tutugunan ng DSWD,” ani Dumlao.

Ang sinumang papasaklolo ay isasailalim sa isang assessment para matiyak ang kaukulang tulong na kailangan nila.

“It will be, however, subject to the assessment of our social workers para matiyak natin kung ano ba iyong kaukulang tulong or interventions na nararapat na iparating sa kanila,” dagdag pa nito.