Drum na may lamang buto ng tao, nakuha ng mga mangingisda sa Sorsogon

Tinutukoy pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng buto sa pamamagitan ng forensic analysis.

SORSOGON- Masusing iniimbestigahan ng Sorsogon Provincial Forensic Unit ukol sa narekober na mga buto ng isang tao na nadiskubreng nakasilid sa isang container drum pasado alas-2:00 ng hapon, Oktubre 12 sa pier na sakop ng Barangay Talisay, East District, Sorsogon City.

Ayon sa PNP, isang mangingisdang nagpapana sa dagat ang nakakita ng isang kahina-hinalang drum at nang ito ay buksan, nadiskubre ang buto ng isang tao.

Dagdag pa ng PNP, hangang sa ngayon wala pa namang nag-report na merong nawawalang residente sa kanilang probinsya kaya pinaniniwalaan nila na baka sa mga karatig na probinsya nagmula ang buto at inanod sa lamang kanilang dalampasigan.

Sa ngayon, nanawagan ang otoridad sa publiko na makipag-uganyan kanila kung mayroong mga ganitong insidente para masuri ang DNA ng mga ito upang matukoy ang pagkakakilanlan ng buto.