‘Drug war’ ni Duterte iimbestigahan na sa Kamara

Nakatakdang imbestigahan ng House human rights panel ang mga nasawi sa isinagawang war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Nakatakdang imbestigahan ng House human rights panel ang mga nasawi sa isinagawang war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni House human rights panel chairman Bienvenido Abante, napapanahon pa rin at nananatiling mahalaga ang usapin sa mga naging kamatayan ng mga biktima.

Aniya, ang imbestigasyon ay dadaluhan ng mga kamag-anak ng mga biktima, mga pulis, at mga opisyal ng Gabinete mula sa administrasyon ni Duterte.

“Ang tanong siguro ng iba, why are we conducting an inquiry into the deaths of alleged drug addicts or drug dealers? First, we must begin with the principle that each life is valuable and that each life lost is a profound tragedy,” saad ni Abante.

“Secondly, we must point out that those who lost their lives, like every Filipino, are protected by the rights granted by the Constitution, one of which is due process,” dagdag pa nito.

Samantala, base sa mga tala ng pamahalaan, humigit-kumulang 6,200 mga suspek sa droga ang napatay sa mga operasyon laban sa droga ng nakaraang administrasyon.

Maaari pa umanong tumaas ang bilang dahil sa mga hindi naiulat na patayan na may kaugnayan sa iligal na droga.