Drug-free na Bicol posible sa 2 taon

Kumpiyansa ang Philippine Drug Enforcement Agency sa Bicol Region (PDEA-5) na sa loob ng susunod na dalawang taon ay maaaring laya na sa bawal na gamot ang buong rehiyon.

Kumpiyansa ang Philippine Drug Enforcement Agency sa Bicol Region (PDEA-5) na sa loob ng susunod na dalawang taon ay maaaring laya na sa bawal na gamot ang buong rehiyon.

Ito’y matapos nilang iulat nitong Martes na 3,024 mula sa 3,471 na barangay sa Region 5 ang malinis na sa impluwensya ng bawal na gamot.

“The active participation of the local government units (LGUs) that are on the frontline in achieving drug-cleared communities and the support of other stakeholders accomplished the said number,” saad ni PDEA-5 Regional Director Edgar Jubay.

“More or less two years. If we follow the phasing, kayang-kaya natin drug-cleared ‘yan after two years,” pagtitiyak pa niya.

Sa mga lalawigan ng Catanduanes at Sorsogon, apat na barangay na lamang ang kailangang mapalaya sa bawal na gamot.

Para maideklarang drug-free ang isang barangay, kailangang wala nang drug supply sa naturang lugar. Dapat ay wala ring nagaganap na pag-biyahe ng droga sa naturang lugar, gayundin ang drug laboratory, warehouse, at taniman ng marijuana.