Drug den sa Sorsogon binuwag ng awtoridad

Sinalakay ng mga awtoridad ang isang drug den sa Barangay Benigno S. Aquino sa bayan ng Bulan, Sorsogon nitong Marso 11.

Sinalakay ng mga awtoridad ang isang drug den sa Barangay Benigno S. Aquino sa bayan ng Bulan, Sorsogon nitong Marso 11.

Ito ay matapos ikasa ng PDEA Sorsogon (Lead Unit), PNP PDEG SOU 5-Team 1 kasama ang Bulan Municipal Police Station at may suporta ng 2nd Provincial Mobile Force Company, Sorsogon Police Provincial Office ang drug buy-bust operation bandang alas 5:45 ng hapon.

Nadakip naman ang mga nasa listahan ng High Value Target (HVTs) na mga suspek na sina alyas Bong, 42; alyas Pako, 39; at alyas Agot, 36.

Nasamsam sa naturang drug den ang siyam na piraso ng sealed plastic sachet naglalaman ng shabu at tinatayang aabot sa mahigit P100,000, at walong nakabukas na plastic na naglalaman din ng shabu.

Dahil dito, mahaharap ang tatlo sa kasong Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.