Drowing talaga ‘pag sila ang kausap! Oil exploration sa West Philippine Sea, itutuloy pa rin kahit wala ang China—PBBM

Taong 2018 pa pumirma ang Pilipinas at China ng kasunduang gagawa ng joint steering committee para sa negosasyong tungkol sa oil exploration sa West Philippine Sea, partikular na sa Reed Bank na pasok sa EEZ ng bansa

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos na gagawa ng paraan ang pamahalaan niya upang masimulan na ang mga oil exploration projects sa West Philippines Sea kahit pa patuloy ang pag-angkin ng China sa nasabing teritoryo.

“We have been in negotiations for over three years now, and have made very little progress,” ani Marcos sa isang panayam sa NHK ng Japan.

Aniya, teritoryo naman ng Pilipinas ang West Philippine Sea, kung kaya’t karapatan nitong magsagawa ng mga eksplorasyon dito.

“It’s still the official position of the Philippines that this is not in a conflict area. This is very clearly within our EEZ (exclusive economic zone). It is certainly within our baselines, within the maritime territory of the Philippines. So, whatever it is that we will do in the future, it has to be consistent with that understanding,” paliwanag pa niya.

Taong 2018 pa pumirma ang Pilipinas at China ng kasunduang gagawa ng joint steering committee para sa negosasyong tungkol sa oil exploration sa West Philippine Sea, partikular na sa Reed Bank na pasok sa EEZ ng bansa.

Gayunpaman, ayon sa Department of Energy, isang beses pa lang nagpulong ang kumite at wala namang napagkasunduan rito.