Driver nag-amok, namaril sa EDSA Ayala tunnel

Patay ang isang family driver matapos siyang barilin ng isa ring driver sa southbound lane ng EDSA Ayala tunnel nitong Martes ng hapon.

Patay ang isang family driver matapos siyang barilin ng isa ring driver sa southbound lane ng EDSA Ayala tunnel nitong Martes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Aniceto Mateo, 65, nakasakay sa isang puting Toyota Innova.

May dalawang kasama sa sasakyan si Mateo noong nangyari ang pamamaril, isa dito ay menor de edad.

Ayon sa Makati Police, pinapatukan umano ng isang driver ng itim na Mercedez Benz ang kanang bahagi ng window ng sasakyan ni Aniceto.

Dumiretso ito sa likurang bahagi ng biktima na naging dahilan ng pagkamatay nito.

Tinuturing ng pulisya na road rage incident ang naturang pamamaril.

Saad ng pulisya, isang Susumu Hosai ang pangalan kung saan nakarehistro ang Mercedes Benz.

Patuloy pang hinahanap ng pulisya ang suspek na namaril sa EDSA Ayala tunnel.