Drayber na nang-araro ng bangko, nakainom daw, sasampahan ng patong-patong na kaso

Sa paunang imbestigasyon naman ay inamin diumano ng drayber na nagkamali siya at nawalan ng control. Aminado rin ito na nakainom siya nung gabi ng insidente. Sabi naman ng mga testigo, amoy alak pa rin ito nang mangyari ang pag-abante nito.

Nasa kustodiya na ng Quezon City Police ang drayber ng Toyota Fortuner na humarurot papasok ng isang bangko sa Greater Lagro, Quezon City.

Namatay na ang isa sa anim na napaulat na nasaktan sa insidente dahil sa tindi ng pagkakatama ng sasakyan ng suspek, na hindi pa pinapangalanan ng mga awtoridad.

BASAHIN RINSudden Unintended Acceleration rin ba? Toyota Fortuner, inararo ang bangko sa QC nang biglang humarurot paabante

Ayon sa kapitan ng Barangay Greater Lagro na si Leo Garra, sirang-sira ang harapan ng bangko at puno ng dugo nang iwan ng drayber.

“Pagpasok namin duguan sa loob. May skid marks sa loob mismo, tapos magulo na talaga ang sitwasyon. Sira na teller booth, waiting chairs,” kwento niya.

Sa paunang imbestigasyon naman ay inamin diumano ng drayber na nagkamali siya at nawalan ng control.

Sabi naman ng ilang mga nakasaksi, amoy alak raw ang drayber, na aminado ring nakainom nung gabi ng insidente.

Makakaharap siya ngayon sa kasong reckless imprudence resulting in homicide at multiple physical injuries.