Drama ni Bato waepek kay Trillanes

Hindi bumenta kay ex-senator Antonio Trillanes IV ang reaksyon ni Sen. Ronald 'Bato' dela Rosa hinggil sa 'di umano'y paparating na warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC).

Hindi bumenta kay ex-senator Antonio Trillanes IV ang reaksyon ni Sen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa hinggil sa ‘di umano’y paparating na warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC).

Ngayong Martes ay isiniwalat ni Trillanes na bandang Hunyo o Hulyo ay maglalabas na ng arrest warrant ang ICC laban kina ex-president Rodrigo Duterte at sa mga kasabwat ng madugong war on drugs ng kanyang administrasyon.

Kung matutuloy, sabit dito si dela Rosa, ang PNP chief sa panahon ni Duterte.

“Go ahead, make my day, Mr. Trillanes! Sige kang ngalngal [nang] ngalngal diyan ng ICC. Sige – go ahead. Kahit sumama ka pa mag-serve ng warrant, ikaw mismo mag-posas sa akin,” saad ni dela Rosa.

‘Di naman naapektuhan si Trillanes sa banat sa kanya ni dela Rosa.

“Kung makareact si Bato akala mo siya ang inapi at pinatayan. Tignan natin ang tapang nya pagdating ng ICC warrant,” pahayag ng dating senador.

Kilala si Trillanes bilang kritiko ng Duterte administration.