DPWH: Lagpas P400-M na ang halaga ng nasirang imprastraktura nina ‘Goring,’ ‘Hanna,’ habagat

Higit sa P400 milyon ang halaga ng nasirang imprastraktura sa apat na rehiyon mula sa matinding pag-ulan na dulot ng mga Bagyong Goring, Hanna, at pinalakas na habagat o southwest monsoon, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Higit sa P400 milyon ang halaga ng nasirang imprastraktura sa apat na rehiyon mula sa matinding pag-ulan na dulot ng mga Bagyong Goring, Hanna, at pinalakas na habagat o southwest monsoon, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sa isang ulat, sinabi ng kagawaran na matatagpuan ang mga nasirang imprastraktura sa rehiyon ng Cordillera, Ilocos, Cagayan Valley, at Mimaropa (Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, at Palawan), na nagkakahalaga ng P442.34 milyon.

Mula sa kabuuang halaga, P146.28 milyon ang halaga ng nasirang kalsada, P14.68 milyon ang nasirang tulay, at P281.38 milyon ang nasirang mga istraktura na pang-kontrol sa baha.

Ayon sa Bureau of Maintenance ng DPWH, apat na kalsada sa Cordillera at tatlong daan sa Ilocos region ang hindi madaanan dahil sa pinsala dulot ng pag-ulan. May mga bahagi nito ang lumubog ang kalsada at naputol dahil sa pagguho ng lupa, ayon sa ulat.

Sarado pa rin ang mga sumusunod na bahagi ng kalsada dahil kinukumpuni pa ng mga tauhan ng DPWH ang sira na natamo nito: Abra-Ilocos Norte Road, San Gregorio, La Paz, Abra; Kennon Road, Camp One, Tuba, Benguet; Claveria-Calanasan-Kabugao Road, sections sa Barangay Namaltugan and Barangay Ninoy, Calanasan, Apayao; Dantay-Sagada Road, Barangay Antadao, Sagada, Mt. Province; Ilocos Norte-Apayao Road, Barangay Maananteng, Solsona, Ilocos Norte; Roxas Bridge, Vigan-San Vicente Road in Ilocos Sur; at Pangasinan-Nueva Vizcaya Road, Barangay Malico, San Nicolas, Pangasinan.

Samantala, isang lane lang ang madadaan para sa mga light vehicles sa Vigan Bridge 1 and 2 along Bantay-Vigan Road in Barangay 1, Vigan City, Ilocos Sur; and the Nasugbu-Lian-Calatagan Road, Barangay Puting Kahoy, Lian, Batangas, ayon sa DPWH.