Double kill! Rider at angkas, patay matapos sumalpok sa puno at masagasaan sa Ibaan, Batangas

Kita sa CCTV video na mabilis ang takbo ng motorsiklo, na lumihis bigla kaya sumalpok sa puno. Wala ring helmet na suot ang dalawang biktima, na nasagasaan pa ng humaharurot na kotse.

Kalunos-lunos ang dinanas ng isang rider at ng kaniyang angkas sa isang aksidente sa Ibaan, Batangas nitong madaling araw ng Lunes, Enero 22.

Kinilala ang rider na si Rayven Javier, samantalang ang angkas niya ay kinilalang si Mark Vincent Maralit.

Binabagtas ng dalawa ang isang kalsada sa Barangay Talaiban nang mabundol ng motorsiklo nila ang isang puno. Sa lakas ng salpok at tumilapon ang dalawa.

Ilang sandali pa ay may humarurot na kotse at nasagasaan nito ang nakahandusay na mga katawan nina Javier at Maralit.

Dead on the spot ang dalawa sa insidenteng nahuli sa CCTV.

Kita sa video na mabilis ang takbo ng motorsiklo, na lumihis bigla kaya sumalpok sa puno. Wala ring helmet na suot ang dalawang biktima.

Samantala, inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng drayber ng kotseng nakasagasa sa dalawa.