DOTr plano maglagay ng exclusive ‘motorcycle lane’ sa EDSA

Pinagpaplanuhan at pinag-aaralan ngayon ng ng Department of Transportation (DOTr) ang pagdadagdag ng motorcycle lane sa EDSA.

Pinagpaplanuhan at pinag-aaralan ngayon ng ng Department of Transportation (DOTr) ang pagdadagdag ng motorcycle lane sa EDSA.

Ito ay para mabigyang solusyon umano ang problema sa trapiko sa kahabaan ng EDSA na matagal nang problema sa Metro Manila.

Sinabi ni DOTr Secretary Jaime Bautista na katuwang nila sa pag-aaral ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Isa umano kasi sa nagpapabigat ng trapiko sa EDSA ay ang kakulangan ng lane para sa mga motorsiklo.

Nasa mahigit 170,000 na motor kasi umano ang dumadaan sa EDSA kada araw.

“‘Yung EDSA po natin four lanes lang po `yan. ‘Yung isang lane meron na tayong busway. Doon sa right side na portion `yung bicycle lane. We are looking siguro po `yung katabi ng bicycle lane ang gawin nating motorcycle lane,” saad ni Bautista.

“Kasi ngayon makikita n’yo sa EDSA, lahat ng lane kinakain [ng motorsiklo],” dagdag pa nit