DOTR: Kapos na kapos ang transportation infra ng Pilipinas dahil sa mababang pagpondo sa loob ng 3 dekada

Umamin si Transportation Undersecretary Timothy Batan na sadyang kapos ang Pilipinas pagdating sa transporation infrastructure dahil sa mababang pagpondo ng mga proyekto sa nakalipas na 30 years

“Severely under-invested in transport infrastructure” ang Pilipinas.

Iyan ang inamin ni ng isang opisyal ng Department of Transportation (DOTr) sa harap ng House Committee on Appropriations nitong Lunes, Setyembre 4, na tumatalakay sa budget ng nasabing kagawaran para sa susunod na taon.

Sinabi naman ni DOTr Undersecretary Timothy Batan sa pagdinig na plano ng gobyerno na palawigin ang mga proyektong magpapaunlad sa sektor ng transportasyon sa bansa.

“For example po, the average po na investment natin in infrastructure for the last three decades has only been between 1.5 and 2 percent,” paliwanag ni Batan.

“The current administration is targeting to bring that up to 5 to 6 percent and ito pong catch-up investment po na ito is precisely intended to close that transport infrastructure gap that we are currently facing,” dagdag pa ni Batan.

Nauna nang tinanong si Batan kung sa tingin niya ay nakakaranas ang Pilipinas sa krisis sa transportasyon dahil sa mababang pagpondo sa mga proyektong kaugnay nito.

Nilinaw ni Batan na kabilang sa “transport infrastructure” na tinutukoy niya ang kalsada, tulay, at riles, saka siya sumang-ayon sa kuro-kuro ng mga mambabatas.

Tiniyak rin Batan na kapakanan ng mga commuters ang pangunahing prayoridad ng DOTr.