DOTr balak isalin sa pribadong operator ang EDSA Busway Carousel

Sa groundbreaking ng EDSA Busway councourse sa North Edsa sa Quezon City, sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista na nakatatangap na sila ng panukala mula sa “big conglomerate” na interesado hawakan ang operasyon ng EDSA Busway.

Balak ng Department of Transportation (DOTr) na buksan sa pribadong sektor ang operasyon ng EDSA Bus Carousel.

Sa groundbreaking ng EDSA Busway councourse sa North Edsa sa Quezon City, sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista na nakatatangap na sila ng panukala mula sa “big conglomerate” na interesado hawakan ang operasyon ng EDSA Busway.

“We have engaged a consultant to prepare the terms of reference katulad ng ginawa natin sa NAIA… para yung terms ay terms na gusto ng gobyerno. Talagang makikinabang ang gobyerno. Makikinabang ang mananakay,” ani Bautista.

Nais din ng DOTr na mapabuti pa ang operasyon ng naturang transport system at magkaroon ng single standard para sa mga bus.

“Dapat magkaroon ng isang standard na dapat ang lahat ng pintuan nasa left side, bumababa ang mga pasahero sa left side of the bus. Gagawin rin natin hindi mataas ang mga steps,” dagdag ng kalihim.

Pinawi naman ni Bautista ang pangamba na tataas ang pamasahe sa EDSA Bus Carousel oras na hawakan ito ng pribadong sektor.