DOT Usec na tinigil meeting para kay bestie, nag-resign na

Nagbitiw na sa pwesto si Tourism Undersecretary Mae Elaine Bathan matapos nitong maisyu sa pagpapatigil ng meeting para sa kanyang kaibigan.

Nagbitiw na sa pwesto si Tourism Undersecretary Mae Elaine Bathan matapos nitong maisyu sa pagpapatigil ng meeting para sa kanyang kaibigan.

Sa report ng Business Mirror, ini-report ang pag-resign ni Bathan noong April 26.

Wala umanong binigay na rason sa pagbibitiw sa pwesto ni Bathan.

Matatandaan na nabalot sa kontrobersya si Bathan matapos kumalat ang isang postt ng kaibigan nitong si Mandaue City Treasurer Regal Oliva.

Sa naturang post, sinabi ni Oliva na humingi siya ng tulong kay Bathan para magamit ang Google Translate.

Lumabas na pinatigil ni Bathan ang isang importanteng meeting para maturuan ang kanyang kaibigan.