DOST: Bilang ng mga batang may anemia, nasa 12%

Tumaas sa bilang na 12.1 porsyento ang bilang ng mga batang mayroong anemia, ayon sa tala ng Department of Science and Technology (DOST).

Tumaas sa bilang na 12.1 porsyento ang bilang ng mga batang mayroong anemia, ayon sa tala ng Department of Science and Technology (DOST).

Sinabi ng ahensya na isa sa 10 bata, na may edad anim hanggang 12 taong gulang, ang anemic.

Ang resulta na ito ay base umano sa DOST-Food and Nutrition Research Institute (FNRI) 2018-2019 Expanded National Nutrition Survey.

“Sa kasalukuyan po ang national estimate ng anemia sa school-aged children ay 12.1%. This means one out of 10 school-aged children ay mayroong anemia,” pahayag ni DOST-FNRI Science Research Specialist II Kim Irvin Protacio.

Sa ngayon, nakatakda ang DOST na magsagawa ng bagong survey upang magkaroon ng bagong datos ang ahensya sa bilang ng mga may anemia.

“Kung mapapansin niyo ito ay pre-pandemic pa, so kasalukuyan kami po ay nagsasagawa ng national nutrition survey na nagsimula po siya last year at ngayong taon po ay tinitingnan namin upang magkaroon ng mas updated na datos regarding sa anemia,” dagdag pa nito.