Donnalyn Bartolome, bumigay na kay JM

May nanalo na sa puso ng content creator na si Donnalyn Bartolome, ito ay ang actor na si JM de Guzman.

May nanalo na sa puso ng content creator na si Donnalyn Bartolome, ito ay ang actor na si JM de Guzman.

Kasunod ito ng pag kumpirma ni Donna sa kanilang relasyon sa pamamagitan ng isang lengthy post sa kanyang Instagram.

Kwento ni Donnalyn, nagsimula raw ang lahat nang humingi ng pinky promise sa kanya si JM para gumawa ng colab video, pero tinawanan lang nya dahil wala naman daw syang kilalang lalaki na nakikipag pinky promise.

“When I met Juan Miguel on February 16, 2022 he made me pinky promise to do a fun collab with him… tawang tawa ako kasi wala akong maalalang lalaki na kilala kong nakikipagPinky promise.” ani Donna.

Isang taon at limang buwan daw ang pag suyo sa kanya ng actor, kahit noong una ay ibinuyo nya pa itong sumubok sa iba.

“JM was unaware… it was a year and five months later from when he first tried to woo me. It was all after asking him to explore other hearts— to just find another heart who’s not mine, but he proved to me that he’s found the heart that made him blind to all other hearts… a blessing it was, that it belonged to me.” ayon pa kay Donnalyn.

Nakuha na rin daw nila ang “blessings” ng kanyang mga magulang, matapos silang lumipad sa Japan.

Ang determinasyon daw ng actor ang bumuhay sa natutulog nyang pagibig.

“His determination caused him to persist… Until one day I just could no longer resist. He awakened the love I didn’t know I still had to give to someone again ever, and even though I no longer believe in forever… I believe in Now. Spell it backwards and that’s what he has done, the match to capture my heart, I declare out loud: Juan Miguel won”.