Dominic Roque tinuluyan ng kaso si Cristy Fermin

Muling nahaharap sa panibagong kaso ng cyber libel ang entertainment columnist na si Cristy Fermin.

Muling nahaharap sa panibagong kaso ng cyber libel ang entertainment columnist na si Cristy Fermin.

Ito ay matapos magsampa ng kaso ng aktor na si Dominic Roque sa Office of the City Prosecutor sa Pasig City ngayong Biyernes.

Ayon sa pahayag ng kampo ni Dominic, naging basehan ng aktor sa pagsasampa ng kaso ang mga malisyosong komento ni Fermin laban sa kanya sa YouTube vlog nitong “Showbiz Now Na.”

“The malicious and baseless innuendos were quickly picked up by social media netizens, several of whom even uploaded a photo of Dapitan City Mayor Bullet Jalosjos, without his knowledge and consent. There is absolutely no truth to these malicious innuendos,” pahayag nito.

Matatandaang kamakailan ay nagsampa rin ng kasong cyber libel ang ex-fiance ni Dominic na si Bea Alonzo.