Dominic Roque sinuka viral quote card

Mariing itinanggi ni Dominic Roque na sa kanya nanggaling ang pahayag tungkol sa pagdepende ng isang babae sa yaman ng isang lalaki.

Mariing itinanggi ni Dominic Roque na sa kanya nanggaling ang pahayag tungkol sa pagdepende ng isang babae sa yaman ng isang lalaki.

Ang pekeng quote card ay ikinalat ng Facebook page na Philippines No. 1. Sa naturang quote card, nag-edit ng isang post sa X (dating Twitter) ang nagpakalat ng post. Sa edited na X post, pinalabas na nagpasaring si Roque tungkol sa pagdepende ng isang babae sa yaman ng kanyang nobyo.

“Guys, never ever choose a girl na dumidepende sa yaman na meron ka at hindi sa pagmamahal na kaya mong i-offer. I should have known this from the start. Lesson learned,” saad sa pekeng pahayag.

Ibinahagi ni Roque sa kanyang official Facebook post ang screenshot ng quote card upang magbabala sa madla na huwag itong paniwalaan.

“Philippines No.1 Page FAKE NEWS!!!” wika ni Roque.

Si Roque ay kasalukuyang nasa gitna ng maiinit na intriga matapos silang maghiwalay ng aktres na si Bea Alonzo.