Dominic Roque pumalag sa paratang ni Cristy Fermin

Binasag na ng kampo ni Dominic Roque ang kanyang katahimikan kaugnay ng mga akusasyon sa kanya ng showbiz insider na si Cristy Fermin.

Binasag na ng kampo ni Dominic Roque ang kanyang katahimikan kaugnay ng mga akusasyon sa kanya ng showbiz insider na si Cristy Fermin.

Sa isang statement, kinondena ni Roque ang mga paratang ni Fermin, gaya na lamang ng pag-uugnay sa kanya kina Dapitan City Mayor Bullet Jalosjos at Congressman Bong Suntay.

Sa ilang vlog ni Fermin, sinabi nito na sina Jalosjos at Suntay ay mga ‘benefactor’ ni Roque. Si Jalosjos umano ang nagbigay ng isang condo unit kay Roque, habang si Suntay naman ang sponsor niya sa isang gas station.

Mariing itinanggi ni Roque ang mga intriga, at humingi ng tawad kina Jalosjos at Suntay. Aniya, inuupahan niya ang condo na pagmamay-ari ni Jalosjos at wala siyang property na gas station.

Ang isa pang isyu na binabato kay Roque ay ang hindi nila pagkakasundo ng dating nobyang si Bea Alonzo pagdating sa pre-nuptial agreement. Pinasinungalingan din ito ni Roque.

“We strongly condemn the malicious and defamatory public statements of Ms. Fermin,” saad sa pahayag. “These defamatory statements were made by Ms. Fermin under the guise of entertainment news without any effort from her to confirm the same from Mr. Dominique Roque.”

“While Mr. Roque acknowledges that as celebrities, a segment of his life is open to public discussion for being matters of general interests; specifically, entertainment news. However, mainstream media and independent vloggers alike are not given unbridled license in exercising free speech of freedom of the press,” dagdag pa ng kampo ni Roque.