Dominic Roque nanliligaw kay Kathryn Bernardo?

Binigyang linaw ni Dominic Roque ang kumakalat na isyu na nililigawan niya ang aktres na si Kathryn Bernardo.

Binigyang linaw ni Dominic Roque ang kumakalat na isyu na nililigawan niya ang aktres na si Kathryn Bernardo.

Kamakailan kasi ay gumawa ng ingay na nanliligaw umano ang aktor kay Kathryn matapos nitong i-post ang larawan nilang dalawa na nagwo-work out.

Sa isang post sa Facebook, ibinahagi ng isang entertainment news page ang balitang tila nililigawan ni Dominic si Kathryn.

“Dominic Roque, nanliligaw nga ba kay Kathryn Bernardo?” caption sa post.

Dahil dito, nag-iwan ng komento si Dominic at sinabing: “Kapatid ko po ‘yan. Bros.”

Samantala, marami rin sa mga netizen ang nagtanggol sa dalawa at sinabing matagal ng magkaibigan sina Dominic at Kathryn.

TINGNAN: