DOLE, inalerto publiko sa pekeng TUPAD job posting

Nagbabala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa publiko tungkol sa mga kumakalat na social media post na nag-aalok ng trabaho sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD Program.

Ayon sa DOLE, ang mga pekeng TUPAD job posting ay nag-aalok ng P800 na sahod kada araw sa mga aplikanteng edad 27 hanggang 60.

Mapapansin umano sa mga job posting na ang paraan ng pag-aapply ay online lamang at hindi ito bukas sa mga gusto mag-walk-in.

Dagdag pa ng ahensya, hindi sa pamamagitan ng social media maaaring maging benepisyaryo ng TUPAD. Bukod pa rito, hindi aabot sa P800 kada araw ang sahod sapagkat iaaayon ito sa minimum wage ng bawat rehiyon.

Inabisuhan ng ahensya ang publiko na ipagbigay-alam sa kanila ang mga makikita nilang social media post na nagpapakalat ng pekeng job posting ng TUPAD.