DOLE-Bicol stakeholders awarding, idinaos sa Legazpi City

Pinasalamatan ng pamunuan ng DOLE-Bicol ang lahat ng stakeholders at partners nito sa patuloy na suporta sa kanilang mga programa.

LEGAZPI CITY, ALBAY – Binigyan ng pagkilala ng Department of Labor and Employment (DOLE)-Bicol ang mga indibidwal, ahensya, mga lokal na gobyerno at mga organisasyon maging ang piling media sa rehiyon na naging katuwang ng kagawaran sa pagsasakatuparan ng mga programa sa isinagawang DOLE 2023 Praise and Oragon Awards sa Legazpi City, nitong Lunes, Disyembre 18.

Ang 50-anyos na si Andres Barcellano na pitong taon nang nagtatrabaho bilang Public Employment Service Office (PESO) Officer at Supply Manager sa Sugod, Bacacay Albay ay isa sa mga nakatanggap ng pagkilala mula sa kagawaran.

Kasabay din sa mga nakatanggap ng pagkilala sina Florida Quilas, ang PESO Manager ng Camarines Norte maging ang media practitioner ng Philippine Information Agency (PIA) na si Marlon Atun.

Ayon kay Regional Director Ma. Zenaida Angara-Campita, malaking bagay para sa kanila ang pagtitipon-tipon ng mga awardees sa buong rehiyon dahil malaki ang kanilang kontribusyon sa tagumpay ng mga proyekto at adbokasiya ng DOLE kaya naman marapat lamang na mabigyan sila ng ganitong pagkilala.

Pinasalamatan ni Campita ang lahat ng stakeholders at partners ng DOLE sa patuloy na suporta sa kanilang mga programa.

Kaugnay nito, inilatag ng ahensya ang kanilang mga plano para susunod taon kagaya ng pagpapalakas sa kanilang mga programa kagaya ng Governmenet Internshipo Program, DOLE Integrated Livelihood Program (DILP) Kabuhayan, Tupad TUPAD at iba pa.