Dokumentong pirmado ni Harry Roque, narekober sa Porac POGO!

Natuklasan ng mga awtoridad ang isang certificate at ilang mga dokumentong pirmado ni dating Presidential spokesperson Harry Roque sa ni-raid na POGO Hub sa Porac, Pampanga.

Natuklasan ng mga awtoridad ang isang certificate at ilang mga dokumentong pirmado ni dating Presidential spokesperson Harry Roque sa ni-raid na POGO Hub sa Porac, Pampanga.

Ayon sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), kasama sa mga nadiskubreng dokumento ang appointment papers ng isang executive assistant sa opisina ni Roque sa Malacañang.

“Ayun nga ang nakakapagtaka, bakit andito ‘yung mga documents na ‘yun?” tanong ni Usec. Gilbert Cruz, executive director ng PAOCC.

Depensa ni Roque, huwag bigyang kulay ang nakuhang appointment papers ng kanyang tauhan dahil wala siyang kinalaman sa aktibidad ng mga POGO.

“Matagal ko na nga pong empleyado ‘yan pero matagal na po siyang hindi nagtatrabaho sa’kin. Ang tingin ko po, dahil matagal siyang nag-aral sa, somewhere diyan sa Clark, baka Nakita siguro d’yan,” ani Roque.

Tinukoy rin ang certificate bilang pagkilala ng Philippine National Police (PNP) Highway Patrol Unit 3 para sa umano’y “generous donation” ng kumpanyang nagpapa-upa sa mga gusaling nag-ooperate sa mga nilusob na compound.