DOJ: US wala pang extradition request para kay Quiboloy

Wala pang natatanggap ang gobyerno ng Pilipinas na anumang extradition request para sa kay Kingdom of Jesus Christ (KJC) leader Apollo Quiboloy mula sa Estados Unidos.

Wala pang natatanggap ang gobyerno ng Pilipinas na anumang extradition request para sa kay Kingdom of Jesus Christ (KJC) leader Apollo Quiboloy mula sa Estados Unidos.

Ito ang nilinaw ni Justice Secretary Boying Remulla kaugnay ng mga reklamong kinahaharap ng kontrobersyal na religious leader.

“We are awaiting the request of the US government on this matter and it has to pass through a lot of channels also within the US government,” saan ni Remulla sa isang pulong-balitaan kamakailan.

Si Quiboloy ay kabilang sa Most Wanted List ng Federal Bureau of Investigation dahil sa mga kinakaharap nitong patong-patong na kaso na may kinalaman sa sex at labor trafficking sa United States.

Sinabi pa ni Remulla na mayroon ring dalawang kaso si Quiboloy na nakabinbin dito sa bansa.

Kabilang na rito ang reklamong rape at cyber libel na patuloy na sinusuri ng DOJ.

Kasalukuyan ding nagsasagawa ng pagdinig ang Senado at Kongreso hinggil sa mga umano’y pang-aabuso ni Quiboloy sa ilang miyembro ng KJC.