DOJ, titiyakin matibay na kaso vs suspects sa Ayala Alabang kidnap-slay

Ipinag-utos ni Justice Secretary Boying Remulla ang pagbuo ng matitibay na kaso laban sa mga nasa likod sa pagdukot at pagpatay ng anim na Chinese nationals at tatlong Pilipino sa Ayala Alabang Village, Muntinlupa City noong October 30, 2023.

Ito ay matapos makitaan ng probable cause ng Department of Justice (DOJ) para kasuhan ng kidnapping, serious illegal detention, homicide at car theft ang tatlong suspek.

“Assure airtight cases are filed and show no mercy in prosecuting those behind these senseless crimes,” ani Remulla sa isang pahayag.

“Let’s bring to justice those responsible for these crimes,” dagdag ng kalihim.

Sa inilabas na resolusyon nitong 15 February 2024, inirekomenda ng DOJ panel of prosecutors na kasuhan sina Edgar Catapang Abarca, Eduardo Catapang Abarca at John Oliver Villanueva alyas Carlo Acero Villanueva ng four counts ng kidnapping at serious illegal detention, one count ng slight illegal detention at one count ng carnapping.