DOJ sumuporta kay PBBM, cyanide fishers sa WPS handang ihabla!

Nagpahayag ng kahandaan ang Department of Justice (DOJ) na idemanda ang mga napabalitang paggamit ng cyanide sa West Philippine Sea (WPS) ng mga dayuhang mangingisda.

Nagpahayag ng kahandaan ang Department of Justice (DOJ) na idemanda ang mga napabalitang paggamit ng cyanide sa West Philippine Sea (WPS) ng mga dayuhang mangingisda.

Kasunod ito ng pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na dapat maghajn ng reklamo ang Pilipinas kung mapatunayan na gumagamit ng cyanide ang Chinese at Vietnamese na mangingisda sa Scarborough Shoal.

Ayon kay Justice Secretary Boying Remulla, handa ang DOJ na mangalap ng ebidensya at bumuo ng kaso laban sa mga iligal na gawaing tulad nito.

“Under the leadership of President Marcos Jr., the Philippines will not tolerate any actions that harm our environment or deprive Filipino people of their right to its use and beauty,” ani Remulla sa isang pahayag.

Una nang inulat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na base sa sanaysay ng mga Pinoy na mangingisda ay gumagamit ang mga dayuhan ng lason sa WPS.