DOJ pinalakpakan prosekyusyon sa kaso ni Vhong Navarro

Pinuri ng Department of Justice (DOJ) ang prosecution team sa matagumpay nitong pagdiin sa apat na suspek sa illegal detention ni Vhong Navarro.

Pinuri ng Department of Justice (DOJ) ang prosecution team sa matagumpay nitong pagdiin sa apat na suspek sa illegal detention ni Vhong Navarro.

Ang prosecution team ay binubuo nina Antipolo City Prosecutor Mari Elvira B. Herrera, Senior Deputy State Prosecutor Hazel C. Decena-Valdez at Deputy State Prosecutor Olivia L. Torrevillas.

Ayon kay Justice Sec. Boying Remulla, ang tagumpay ng kaso ni Navarro ay patunay na ang DOJ ay masasandigan ng mga biktimang naghahanap ng hustisya.

“This conviction is a testament of the hardwork and dedication of our prosecutors that the DOJ will always serve as a beacon of hope for victims of injustice, reaffirming our commitment to the people that justice will be enforced to or against anyone regardless of social status, fame, power or wealth,” saad ni Remulla.

Batay sa desisyon ng Taguig City Regional Trial Court-Branch 153, guilty sina Deniece Cornejo, Cedric Lee, Ferdinand Guerrero, Simeon Raz sa kasong serious illegal detention for ransom.

Hinatulan ang apat ng 40 taon sa bilangguan.