DOJ pinalakpakan conviction ng 4 killer cops sa drug busy noong 2016

Welcome kay Justice Secretary Jesus Crispin "Boying" Remulla ang conviction ng apat na pulis na bumaril at nakapatay sa mag-ama sa anti-illegal drug operation sa Caloocan noong 2016.

Welcome kay Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla ang conviction ng apat na pulis na bumaril at nakapatay sa mag-ama sa anti-illegal drug operation sa Caloocan noong 2016.

Base sa desisyon ng Caloocan City Regional Trial Court (RTC) Branch 121, guilty ang hatol kina Police Master Sgt. Virgilio Servantes and Police Corporals Arnel De Guzman, Johnston Alacre and Argemio Saguros, Jr. dahil sa kasong homicide sa mag-amang Luis Bonifacio at Gabriel.

“This conviction is a milestone in our criminal justice system, a testament of the government’s unwavering efforts to safeguarding human rights in the pursuit of justice and a clear proof of a functioning justice system,” pahayag ni Remulla.

“This serves as a reminder to abusive police officers that no one is above the law, justice will eventually catch up with them,” dagdag ni Remulla.

Pinuri rin ni Remulla ang mga prosecutors ng Department of Justice dahil sa pagkakaapanalo sa kaso sa kabila ng mga iregularidad sa nakalipas na administrasyon.

Sampung taon na pagkabilanggo ang hatol ng korte sa mga pulis matapos mapatay sa operasyon ang mag-amang Bonifacio.

Pinagbabayad din ang mga pulis ng P400,000 sa pamilya Bonifacio.