DOJ: Pinagtataguan ni Bantag, natukoy na!

Nahanap na ng mga awtoridad ang lugar na pinagtataguan ni dating Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag, na nahaharap ngayon sa kasong pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid.

Nahanap na ng mga awtoridad ang lugar na pinagtataguan ni dating Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag, na nahaharap ngayon sa kasong pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid.

Sinabi ni Department of Justice spokesman Mico Clavano na nagsasagawa sila ngayong ng maingat na hakbang upang tuluyang mahuli si Bantag.

Aniya, nakasisiguro kasi sila na hindi ito basta-basta magpapahuli lang, at ayaw din umano nila ibuwis ang buhay ng mga pulis.

Subalit sa kabila nito, umaasa pa rin sila magiging mapayapa at hindi gagawa ng anumang nakasasamang hakbang si Bantag habang siya ay inaaresto.

“We are aware of his whereabouts. It’s just that alam naman natin na hindi talaga ‘yan papayag na magpahuli ng buhay. Mahirap din na ilagay natin ang law enforcement agents in precarious or a dangerous spot. We hope to do this in the most peaceful manner,” wika ni Clavano.

Hindi naman binanggit ni Clavano sa publiko kung saang lugar nagtatago si Bantag.