DOJ, pangungunahan ang imbestigasyon sa Socorro Bayanihan Services

Dadalhin sa Maynila ang imbestigasyon sa Socorro Bayanihan Services, at ilalagay sa protection ng Department of Justice ang mga testigo, ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.

Hahawakan na ng Department of Justice (DOJ) ang imbestigayon sa diumanong mga pag-abuso ng Socorro Bayanihan Services, ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.

“We brought the cases here para kami na ang bahala tumigin sa mga allegations doon sa complaint affidavits at sa mga complaints na isinampa against the suspects. Kaya dito na po ihe-hear ‘yan dito sa DOJ,” ayon sa kalihim sa isang pulong balitaan.

Unang isinampa ang reklamo sa piskal sa Surigao del Norte, ngunit hiniling ng mga ito na mag-inhibit dahil sa mga pagbabanta na natanggap nito.

Dadalhin rin ang mga saksi ng imbestigador sa Maynila upang mabigyan sila ng kaukulang proteksyon, ayon kay Remulla.

Unang inimbestigahan ng National Bureau of Investigation ang Socorro Bayanihan Services matapos itimbre ng alkalde ng bayan ang umanong kakaibang gawain ng grupo.