DOJ: Case buildup patuloy vs mga pulis na dawit sa 990-kg shabu bust

Patuloy ang pagbuo ng kaso laban sa mga pulis na dawit sa isyu ‘di umano’y tangkang cover up sa 990 kg huli ng shabu sa Maynila noong Oktubre 2022.

Patuloy ang pagbuo ng kaso laban sa mga pulis na dawit sa isyu ‘di umano’y tangkang cover up sa 990 kg huli ng shabu sa Maynila noong Oktubre 2022.

Ayon kay Justice Secretary Boying Remulla, nagpulong ang prosekusyon at miyembro ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) noong February 15 upang patuloy na mangalap ng ebidensya para sa pagpapalakas ng kaso laban sa mga kasangkot.

Hinikayat ni Remulla ang DOJ prosecutors na patuloy na makipagtulungan sa PNP sa pangangalap ng ebidensya.

“As the prosecution arm of the government, it is but imperative that we uphold the Rule of Law in the most efficient and expeditious way and at the same time within the bounds of truth, fairness and justice,” aniya.

Aabot sa 990 kg ng shabu na nagkakahalaga ng P6.7 bilyon ang nahuli ng otoridad sa isang anti-drug operation sa Maynila noong Oktubre 2022. Nahuli sa operasyon ang nadismiss na si Police Master Sergeant Rodolfo Mayo Jr.

Tinatayang 42 kg ng shabu na nahuli ay di umano’y tinangkang ipuslit ng ilang pulis na siyang naging mitsa ng pagsasampa ng kaso laban sa 49 miyembro ng PNP.