DOJ abangers sa isang pang arrest warrant vs Quiboloy

Isiniwalat ni Justice Secretary Boying Remulla na isa pang warrant of arrest ang hinihintay nilang ilabas laban kay Pastor Apollo Quiboloy.

Isiniwalat ni Justice Secretary Boying Remulla na isa pang warrant of arrest ang hinihintay nilang ilabas laban kay Pastor Apollo Quiboloy.

Ayon kay Remulla, ang naturang warrant ay para sa kasong human trafficking laban kay Quiboloy at sa kanyang kapwa akusado.

“The DOJ is awaiting the issuance by the Pasig RTC of another warrant of arrest for qualified trafficking,” ani Remulla.

Ang unang warrant of arrest ay inilabas ng Davao City Regional Trial Court Branch 12 kamakailan, kung saan limang kapwa akusado ni Quiboloy ang nahulog sa kamay ng awtoridad. Gayunman, bailable ang kaso na inisyu ng Davao RTC kaya’t nakapag-piyansa ang mga ito.

Samantala, ang kasong human trafficking na ididiin ng Pasig RTC ay non-bailable.

Kaya naman, hinikayat ni Remulla si Quiboloy na lumutang na at harapin ang mga kaso laban sa kanya.

“Argue your charges before the Court where you remain the accused, tell the naked truth, that way you can redeem yourself,” dagdag pa ni Remulla.

Sa isang audio message noong Sabado, sinabi ni Quiboloy na magpapakita lamang siya kung igagarantiya ng mga awtoridad sa Pilipinas na hindi makikialam ang Amerika sa kanyang mga kaso.

Isa si Remulla sa hinikayat ni Quiboloy para gumarantiya ng kanyang proteksyon.