DOH tututukan health services para sa kababaihan

Patuloy na pagtutuunan ng pansin ng Department of Health pangangalaga ng kalusugan ng kababaihan.

Patuloy na pagtutuunan ng pansin ng Department of Health pangangalaga ng kalusugan ng kababaihan.

Ito ang binigyang diin ng DOH sa pagdiriwang ng National Women’s Month.

Mas paiigtingin umano ng ahensya ang kanilang pagbibigay serbisyo sa mga suliranin na kinakaharap ng bawat babae sa bansa kagaya ng kanser sa suso at cervix.

Ayon pa sa DOH, layunin nila na magbukas ng 28 centers sa taong 2028.

Magkakaroon naman ng serbisyo ang mga center na ito tulad ng mammogram, HIV screening, at family planning.