DOH to DHW? Health Secretary bet palitan pangalan ng ahensya

Nangangarap palitan ni Department of Health (DOH) Secretary Ted Herbosa nitong Lunes, Hulyo 1, ang pangalan ng kagawaran.

Nangangarap palitan ni Department of Health (DOH) Secretary Ted Herbosa nitong Lunes, Hulyo 1, ang pangalan ng kagawaran.

Aniya, mas magandang tawagin ang DOH na “Department of Health and Wellness” o DHW dahil ang ahensya ay hindi lamang nakapokus sa usaping kalusugan kundi pati na rin sa kung paano mine-maintain ng tao ang kanilang kalusugan.

“Naiba yung frame, dati Kagawaran ng Kalusugan, pagnagka-sakit ka kailangan mo ang DOH. Pero ngayon, ang gusto namin, maturuan din ang tao ng health promotion. How do you maintain, paano mo mame-maintain yung kalusugan mo and health,” sabi ni Herbosa.

Balak din palitan ni Herbosa ang kanyang titulo bilang kalihim ng kalusugan sa “Chief Longevity Officer.”

Saad pa niya, target ng bawat bansa na gawing malusog at bigyan ng mahabang buhay ang mga mamamayan nito kaya naman sakto lang ang naisip na bagong pangalan.