DOH: Siling labuyo ‘di gamot sa Dengue!

Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko tungkol sa isang post na nag-viral na nagsasabing gamot ang siling labuyo sa Dengue.

Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko tungkol sa isang post na nag-viral na nagsasabing gamot ang siling labuyo sa Dengue.

Ayon sa DOH, hindi gamot ang nasabing uri ng sili laban sa Dengue.

“The Department of Health (DOH) cautions the public against Facebook posts claiming Birds Eye Chili or Siling Labuyo can cure dengue,” saad ng DOH.

Dagdag ng ahensya, ang mainam na pangontra sa Dengue ay ang pagsira sa mga pinupugaran o ginagawang bahay ng mga lamok na Dengue, paggamit ng mosquito repellant, at pagsusuot ng mga longsleeve na damit.

“The DOH clarifies that currently, there is no specific treatment for dengue. Hence, the Department encourages Filipinos that the best way to prevent dengue is to avoid mosquito bites,” ani DOH.

“Additionally, the DOH stresses the importance of eliminating mosquito-breeding sites and supporting fogging activities in outbreak areas,” dagdag nito.

Nagpaalala naman ang DOH na dapat tiyakin ng publiko na lehitimo at totoo ang pinagkukunan nila ng impormasyon.