DOH: Sapol ng pertussis, sirit sa 1,112

Sumampa na sa 1,112 ang kaso ng pertussis o 'whooping cough' sa bansa.

Sumampa na sa 1,112 ang kaso ng pertussis o ‘whooping cough’ sa bansa.

Base sa tala ng Department of Health, lampas libo na ang tinamaan ng pertussis mula January 1 hanggang March 30, 2024.

Mas mataas ito sa 32 cases na naitala noong nakaraang taon sa kaparehong period.

Sa mga tinamaan ng pertussis, abot sa 54 katao na ang nasawi.

Karamihan sa tinamaan ng pertussis ay mga batang edad lima pababa na nasa 77 percent.

“The DOH is cautious in interpreting trends. The number of cases may still change as there may be late consultations and reports,” ayon sa DOH.

Samantala, ayon kay Health Secretary Ted Herboso ay posibleng magkaroon ng kakulangan sa bakuna laban sa pertussis pagsapit ng Mayo.

Nag-order na ng bakuna ang DOH na pwedeng magamit laban sa pertussis.