DOH sa kababaihan: Cotton na panty ang isuot!

Pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang mga kababaihan na magsuot ng panty na gawa sa cotton ngayong tag-init.

Pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang mga kababaihan na magsuot ng panty na gawa sa cotton ngayong tag-init.

Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, totoo ang sinabi ni Iloilo Rep. Janette Garin na delikado ang maselang bahagi ng mga babae tuwing tag-init dahil sa fungal infection.

Matatandaang ang payo ni Garin sa mga kababaihan ay ‘wag nang magsuot ng panty kapag nasa bahay.

Para naman sa DOH, panty na gawa sa cotton ang isuot dahil pangontra ito sa moisture.

“Moisture kasi allows the fungal infection to proliferate. So may basis yun. Related to the fungal infection and the heat, ‘pag mainit, pinagpawisan, may moisture doon sa ating private areas of women, so it can lead to candidiasis or itchiness don sa kanilang genitalia,” wika ni Herbosa.

“Ang usual advice for women suffering candidiasis is really to wear cotton underwear. Kung ayaw niyo mag-commando, mag-cotton underwear because it also does not trap moisture,” paliwanag pa ng kalihim.