DOH: Pondo nakahanda sakaling manalanta Covid-19 ‘FLiRT’

Nakahanda ang Department of Health (DOH) na magsagawa ng ilang pagbabago sa kanilang kasalukuyang badyet upang matugunan ang posibleng epekto ng bagong variant ng COVID-19 na "FLiRT."

Nakahanda ang Department of Health (DOH) na magsagawa ng ilang pagbabago sa kanilang kasalukuyang badyet upang matugunan ang posibleng epekto ng bagong variant ng COVID-19 na “FLiRT.”

Kamakailan kasi ay sinabi ng ahensya na walang pondo na nakalaan ngayong taon sa ilalim ng 2024 General Appropriations Act (GAA) para sa pagbili ng bagong bakuna laban sa bagong FLiRT variants.

Ngunit ayon sa paliwanag ni panel senior vice chairperson Stella Quimbo, marami umanong pwedeng pagkunan ng pondo para agad na matugunan ang suliranin sa naturang variant.

Makakapaglaan naman kasi umano ng badyet mula sa quick response fund at communicable disease program ng pamahalaan.

“Nakakagulat dahil sa dami ng pera natin…klaro naman na maraming pwedeng pagkunan ng pondo, tama po? Halimbawa, may quick response fund… and at the same time, may communicable disease program na obviously, halos hindi nagagamit pa,” ani Quimbo.

“Kahit na sabihin natin na walang line item para sa specific variant na ‘yun dahil hindi pa natin alam na may ganung variant nung panahon na sinusulat natin ang 2024 GAA, pwede naman ‘yun,” dagdag pa nito.

Samantala, nakadepende ngayon ang DOH sa mga donasyon para sa bakuna. Kabilang dito ang isang milyong doses na ipinangako ng Gavi Vaccine Alliance, isang global health partnership.