DOH, plano mag-alok na incentives tulad ng dagdag health insurance, pabahay, scholarships para hikayatin ang mga nars na huwag nang mangibang-bansa

Mga incentives tulad ng karagdagang health insurance, pabahay at scholarship grants ang nais ibahagi ng Department of Health upang mahikayat ang mga nars na magtrabaho dito sa Pilipinas.

Pinag-aaralan na ng Department of Health na magbigay ng karagdagang health insurance, pabahay, at scholarships para sa graduate studies sa mga nars upang mahikayat silang magtrabaho dito sa Pilipinas, ayon kay Health Secretary Ted Herbosa.

“We are trying to find a way to fund health insurance for them because some of our nurses, pumipila sa MAIP (Medical Assistance for Indigent Patients) because we are not allowed to get them private insurance, other than [state-run] PhilHealth,” paliwanag ni Herbosa sa House appropriations committee na dumidinig ng P199 bilyong budget ng kagawaran para sa 2024.

“We’d like to find a way that we can help them get that private insurance for them and their dependents. And also, maybe even housing [program], so they can stave off this desire to work in other countries,” aniya.

Hindi man kayang tapatan ng gobyerno ang sahod na ibinibigay sa mga nars sa ibang bansa, pinag-aaralan na rin ng DOH na magbigay ng scholarships sa mga nars upang makapag-aral sila ng kanilang masters at doctoral degrees.

“[As for] the salaries, we cannot compete [with other countries]. But we can compete with other options, like better career paths. We are [really onto] improving [the] career options for our nurses because after COVID-19, other countries started building facilities and strengthening their health systems, and they want to hire Filipino nurses because Filipino nurses are world class. Mas maalaga,” ayon kay Herbosa.

Dagdag pa ng kalihim, aabot na sa 4,400 ang mga hindi pa napupunuang slot para sa nars, at nahihirapan na rin silang maghanap ng aplikante.

“Before, we had a queuing list in hospitals. Now, that list is gone. We have scraped the bottom of the barrel. Recently, there were 10,000 people who passed the nursing board exam, so we hope to fill these items with that,” ayon kay Herbosa.