DOH: Pilipinas, low risk pa rin sa COVID-19!

Sa kabila ng banta ng FliRT variant, nananatili pa in sa low risk status ang Pilipinas kontra COVID-19, ayon sa Department of Health.

Sa kabila ng banta ng FliRT variant, nananatili pa in sa low risk status ang Pilipinas kontra COVID-19, ayon sa Department of Health.

Ayon sa DOH, masusi ang pagbabantay nila sa mga naitatalang kaso ng coronavirus sa bansa pati na rin sa bagong variant nito.

“There is still no scientific basis for travel restrictions to any country because of an increase in COVID-19 cases. The Department remains to be in close coordination with international health authorities,” sabi ng ahensya.

Nakakapagtala ang DOH ng 202 na mga kaso kada araw simula noong May 14 hanggang May 20, na mas mababa kumpara sa naitatalang kaso noong Enero na may 500 cases kada araw.

Samantala, nauna nang inilagay ng DOH ang Bureau of Quarantine (BOQ) sa heightened alert na nag-uutos na magkaroon ng screening sa mga taong papasok ng Pilipinas mula sa mga bansang may naitalang kaso na ng FLiRT variant.