DOH palalakasin kampanya kontra HIV

Mas paiigtingin ng Department of Health (DOH) ang kanilang pagbibigay ng serbisyo laban sa human immunodeficiency virus (HIV).

Mas paiigtingin ng Department of Health (DOH) ang kanilang pagbibigay ng serbisyo laban sa human immunodeficiency virus (HIV).

Base sa ulat ng DOH, mula Enero hanggang Marso 2024 ay nakapagtala ng 3,410 na bagong kaso, kung saan 82 dito ang nasawi.

“Seeking help at general primary care facilities linked to and coordinating with HIV treatment hubs can make a significant difference in managing the disease and improving the quality of life for people living with and affected by HIV,” pahayag ni Health Secretary Teodoro Herbosa.

Samantala, inaasaha namang aabot sa 36,700 ang mga bagong kaso ng HIV sa taong 2030, base sa AIDS Epidemic Model (AEM) and Spectrum.

Nasa 74 porsyento ng kabuuang kaso ay nasa National Capital Region, Gitnang Luzon, Rehiyon 4-A (Calabarzon), Kanlurang Visayas, at Gitnang Visayas.