DOH, nilinaw na walang Nipah virus sa PH

Tiniyak ng Department of Health na wala pang kaso ng Nipah virus sa bansa. Gayunpaman, mananatili itong on alert sa pag-monitor ng mga virus gaya nito.

Wala pang Nipah virus na naitatala sa Pilipinas, ayon sa monitoring ng Department of Health (DOH).

Kinumpirma ito ni infectious disease specialist Rontgene Solante nitong Biyernes, Setyembre 22, na nagsabing nakamatyag ang kagawaran sa mga health threats na gaya ng Nipah virus.

Ang Nipah virus ay isang sakit na maaaring magdulot ng nakamamatay na encephalitis, at ito ay kumakalat mula sa mga hayop papunta sa tao. Kabilang sa mga sintomas nito ay lagnat, pananakit ng ulo, kahirapan sa paghinga, at ubo.

Bagaman wala pa sa ngayon ang nasabing virus sa bansa, matatandaang nakapagtala ang DOH ng isang kaso ng Nipah virus sa Sultan Kudarat, matapos umanong kumain ng karne ng kabayo ang pasyente.

Tiniyak naman ng DOH na patuloy ito sa pagiging proactive pagdating sa pagbabantay sa mga virus gaya ng Nipah. Ito rin ay aktibo sa mga programa nito sa disease prevention.