DOH nakiusap sa mga nurse: Piliin niyo ‘Pinas

Nakiusap si Health Secretary Teodoro Herbosa na piliing magbigay ng kanilang serbisyo sa Pilipinas.

Nakiusap si Health Secretary Teodoro Herbosa na piliing magbigay ng kanilang serbisyo sa Pilipinas.

Sa isinagawang press briefing, inilatag kasi ni Herbosa ang kanilang mga hakbang upang mapunan ang kakulangan ng bansa sa mga health worker.

Aniya, nakahandang magbigay ang pamahalaan ng insurance, housing, at iba pang benefit para sa mga health worker.

“So may subsidy na ibibigay, maliit lang pero it will allow them to get health insurance for themselves and even their family. So may PhilHealth na sila, they can get a health insurance,” saad nito.

Kaya naman pakiusap nito: “I’m asking the nurses to choose the Philippines.”

Samantala, nilinaw ni Herbosa na hindi naman nila pipigilan ang mga ito na umalis ng Pinas para magtrabaho sa ibang bansa.

“Since our nurses are in demand, that means we’re producing good nurses – what does that mean? We also get good nurses when you get sick in the hospital because they’re export quality – so, that means to me I’ll just produce more nurses,” wika pa ni Herbosa.