DOH nagbabala sa banta ng heat stroke

Nagbigay ng paalala ang Department of Health ukol sa mga sakit na maaaring maranasan dahil sa matinding init na natatamasa sa Pilipinas.

Nagbigay ng paalala ang Department of Health ukol sa mga sakit na maaaring maranasan dahil sa matinding init na natatamasa sa Pilipinas.

Dahil sa temperatura ngayon, maaari umanong magkaroon ng sakit gaya ng heat stroke ang sinumang babad sa init at sa tirik ng araw.

“Prolonged heat exposure increases the probability of heat stroke, a serious condition characterized by loss of consciousness, confusion, or seizures, which can be deadly if left untreated,” pahayag ng ahensya.

Base kasi sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nakapagtala ang bansa ng mahigit 40 degrees Celsius na temperatura noong Marso 28 hanggang Abril 1.

“Such temperatures can lead to heat cramps and heat exhaustion, characterized by symptoms such as fatigue, dizziness, headache, vomiting, and light-headedness,” dagdag pa ng DOH.

Kaya naman payo ng DOH, uminom ng maraming tubig, magsuot ng preskong damit, at umiwas sa paglabas upang makaiwas sa heat stroke.