DOH: Mga taga-Negros pinagiingat sa ashfall ng Mt. Kanlaon

Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa mga residente malapit sa Mount Kanlaon na mag-ingat mula sa ashfall na dulot ng pag-alburuto ng bulkan.

Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa mga residente malapit sa Mount Kanlaon na mag-ingat mula sa ashfall na dulot ng pag-alburuto ng bulkan.

Hinikayat ng ahensya ang mga tao na magsuot ng face mask at panatilihing nakasara ang mga tahanan upang di makapasok ang toxic na usok at abo sa loob ng bahay.

“Protect your lungs from ashfall and any toxic gases. Close doors and windows; use wet curtains or clothes to cover gaps where ash and gases could enter. Wear face masks properly, or use a wet cloth to cover your nose and mouth,” ayon sa advisory ng DOH.

“Protect your eyes from ashes and dust. Wear safety goggles if available. Do not use contact lenses; switch to glasses for now. Do not rub your eyes; if irritated, rinse them with clean, lukewarm running water,” dagdag ng ahensya.

Patuloy na nasa heightened alert ang regional hub ng DOH sa lugar habang nasa code white naman ang mga ospital malapit sa bulkan.