DOH: Matinding init sa Bicol, asahan sa Semana Santa

Nagbigay ng paalala ang Department of Health (DOH) sa mga nasa Bicol na mag-ingat sa banta ng heat stroke dahil sa tinding init na mararanasan sa darating na Semana Santa.

Nagbigay ng paalala ang Department of Health (DOH) sa mga nasa Bicol na mag-ingat sa banta ng heat stroke dahil sa tinding init na mararanasan sa darating na Semana Santa.

Kabilang sa mga lugar na makararanas ng init ay ang Daet sa Camarines Norte; Legazpi sa Albay; Masbate City sa Masbate; Juban sa Sorsogon; at Pili sa Camarines Sur.

Inaasahan namang aabot sa 34 degree hanggang 39 degree ang temperatura.

Dahil dito, nagbigay ng payo ang DOH na limitahan muna ang mga aktibidad sa labas, uminom ng sapat na tubig, at magsuot ng komportableng damit para iwas heat stroke.