DOH inatras planong pagpapalit ng pangalan

Hindi na itutuloy ng Department of Health ang pagpapalit ng pangalan nito para gawing Department of Health and Wellness.

Hindi na itutuloy ng Department of Health ang pagpapalit ng pangalan nito para gawing Department of Health and Wellness.

Ayon kay DOH Assistant Secretary Albert Domingo, inatasan siya ni DOH Secretary Ted Herbosa na magsagawa ng cost analysis para sa pagpapalit ng pangalan.

“Sabi nga ng Secretary (Herbosa), hindi niya sukat akalain, mapi-pick up ‘yun,na talagang mag-kakaroon siya ng traction,” pahayag ni Domingo sa panayam ng DZBB.

“He (Herbosa) said, you know, if it’s just costly, let’s stop it,” pahayag ni Domingo.

Ayon kay Domingo, higit na pinahahalagahan ng kanilang hanay ang serbisyo at hindi ang branding ng kagawaran.

“Because the definition of health is not merely the absence of disease but also a complete state of physical and mental well-being,” pahayag ni Domingo.